Hindi dahil mag-isa ako, malungkot na ako.
Hindi rin madalas na mag-isa ako kapag nalulungkot ako.
Pero madalas wala akong pera.
Ang oras ay tatakbo at patuloy sa pag-ikot kahit na sa kagustuhan mo ito’y hindi umaayon. Hindi titigil sa paggalaw kahit na ang nais mo’y hindi mo na matanaw. Walang panahon para lingunin pa ang nakalipas dahil ang oras ay hindi tumatakbo ng paatras. Kaya’t hayaan mo na ang nakaraan, at harapin ang kinabukasan. Huwag mong hayaan na lumipas muli ang isang mahalagang oras ng hindi ito napakikinabangan. Hindi mo alam kung kailan matatapos ang oras na sa iyo ay inilaan, kaya naman, habang hawak mo pa ang oras ng buhay na sa iyo ay ipinahiram, gamitin mo na ito ng maayos bago ka man magpaalam.

Ate Jera, eto na.. hahaha :))
Dalawang beses akong nagpagupit, tapos naging ganyan na.. hehe :)
———-
Para pala sa mga nagTTA sa akin.. :) Ayos lang ako.. Pasensiya na pinagaalala ko ang iba sa inyo. :) Maraming salamat sa inyong lahat! :)
Miss ko na kayo. :)
Gusto ko rin mag-audio post. babatiin ko kayo. haha
Siyempre ako lang may gusto, kayo ayaw niyo. hahaha
kaso maingay dito sa boarding house. :/
Sa mga pagkakataong ako ay sumasayaw, panandalian kong nakakalimutan ang mga problema ko sa buhay. Hindi ako magaling sumayaw, subalit maligaya ako kapag nakakarinig ako ng musika at naisasabaw ko ang galaw ko.
Masaya. Maligaya. Nakakatuwa. Nakakapagpagaan ng loob.
Kapag ako ay sumasayaw, pakiramdam ko ibang tao ako. Kapag may mga taong nanunuod sa akin habang ako ay sumasayaw, hindi ako nahihiya. Kapag naririnig ko silang pumapalakpak, mas lalo akong ginaganahan. Sadyang mahal ko lang talaga ang pagsasayaw…ANG DRAMA LANG, GUSTO KO LANG SABIHIN NA EXCITED AKO.
OMG! MALAPIT NA ANG PASKO! HAHAHA EXCITED LANG AKO KASI MARAMING CONTEST NA SAYAWAN SA IBA’T IBANG YOUTH ORGANIZATION SA LUGAR NAMIN. HAHAHA KAHIT BASO ANG PREMYO, SASALI AKO.
Sandali lang, sino gumawa sa iyo?
Buti pa sila, makakapunta sa meet-up. Eh ako? Kakain nalang ako sa araw na iyon. Kakain ako ng marami.

2 
OLDER